|
||||||||
|
||
Mga anak ng mga biktima ng Batas Militar, kakandidato sa ilalim ng Partido Liberal
NAGSAMA-SAMA ang mga anak, apo at pamangkin ng mga biktima ng Batas Militar samatalang umaasang makakamtan ang tagumpay ng kanilang mga ama sa darating na halalan sa 2019.
Kasama sa mga nakatakdang mamuno sa oposisyon sina Senador Paolo Benigno Aquino IV, dating Deputy Speaker Erin Tanada III at De La Salle University College of Law Dean Jose Manuel "Chel" Diokno.
Si Senador Aquino ay pamangkin ni Senador Benigno Aquino Jr. samantalang si Erin Tanada ang apo ni Senador Lorenzo M. Tanada. Si Atty. Diokno ay anak ni dating Senador Jose "Pepe" Diokno at ngayo'y isa sa nga haligi ng Free Legal Assistance Group na tumutulong sa mga biktima ng human rights violations.
Ang mga nakatatandang Tanada at Diokno ang masigasig na lumaban sa Batas Militar. Nagmula ang pahayag ng Partido Liberal kay Senador Francis Pangilinan, pangulo ng lapian.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |