|
||||||||
|
||
Papal Nuncio, nagalak sa kasunduan ng Vatican at Tsina
Arsobispo Gabriele Giordano Caccia, Apostolic Nuncio to the Philippines at Dekano ng Diplomatic Corps. (Larawan ni Melo M. Acuna)
ISANG hakbang sa tamang direksyon ang narating na kasunduan ng Tsina at Vatican hinggil sa pagkilala ng Holy See sa pitong obispong hinirang ng Pamahalaang Tsino noong nakalipas na Sabado.
Ayon kay Arsobispo Gabriele Giordano Caccia, tanging ang balitang mula sa Vatican City at sa Tsina na lumabas sa media ang kanyang nababatid bagama't sapat na ito upang higit na magkaisa ang mga Katoliko sa Tsina.
Sa isang panayam bago nagsimula ang pagdiriwang ng ika-88 taong pagkakatatag ng Kaharian ng Saudi Arabia sa Shangri-La Hotel at The Fort, sinabi ni Arsobispo Caccia na kakaiba ang mga situwasyon sa iba't ibang pook at ang posibilidad na magkatulungan para sa kabutihan ng madla ang nananatiling mahalaga.
Higit umano sa diplomatic perspective ang kanyang pananaw sapagkat tinitingnan niya ang kahalagahan ng kasunduan sa pananaw na pastoral.
Tinatayang mayroong mga 10 milyong Katoliko sa Tsina. Si Arsobispo Caccia na ngayo'y 60 taong gulang na ay siya ring Dean of the Diplomatic Corps sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |