Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Korte Suprema, kinatigan ang 25% shading threshold

(GMT+08:00) 2018-09-27 16:03:25       CRI

Korte Suprema, kinatigan ang 25% shading threshold

PINABORAN ng Korte Supreme bilang mga bumubuo ng Presidential electoral Tribunal and 25% (threshold) bilang boto sa pagpapatuloy ng pagdinig sa protesta ni dating Senador Ferdinand Romualdez Marcos Jr. laban kay Vice President Maria Leonor "Leni" Robredo.

Ayon sa isang 21-pahinang resolusyon na inilabas ng Korte Suprema noong ika-18 ng Setyembre na inilabas lamang sa magkabilang panig kahapon, kinatigan nila ang paninindigan ng Commission on Elections at ni Gng. Robredo na nagsasabing sapat na ang 25% threshold para sa manual counting ng boto noong nakalipas na 2016 elections. Ito rin umano ang threshold na ginamit ng Vote Counting Machines noong 2016 elections.

Ayon sa Presidential Electoral Tribunal sapat ang vote threshold na itinakda sa 25 porsiyento ng Commission on Elections para sa random manual audit ng Commission on Elections.

Hindi na kinatigan ang 50% shading threshold at maliwanag na ang bagong threshold ang siyang ipinatupad.

Hiniling ni Gng. Robredo na kilalaning sapat na ang 25 percent threshold ayon sa 2016 rules ng Commission on Elections samantalang hiniling naman ng kampo ni dating Senador Ferdinand Marcos, Jr. na gamitin ang 50% bilang pagtugon sa 2010 Presidential Electoral Tribunal rules.

Ang pagbibilang na muli na sinimulan noong ikalawang araw ng Abril at na sa tatlong lalawigang pinili ni G. Marcos, ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Ang lahat ng mga mahistrado, liban sa dalawang nasa bakasyon, sina Justice Antonio Carpio at Diosdado Peralta ang lumagda sa resolusyon. Ang may akda ng resolusyon ay si Associate Justice Benjamin Caguioa.

Nagpasalamat naman si Gng. Robredo sa naging desisyon ng Presidential Electoral Tribunal.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>