Pagbabago sa Development Outlook sa Pilipinas, 'di na ikinagulat
HINDI na ikinagulat ng Malacanang ang naging desisyon ng Asian Development Bank na ibaba ang growth prospects para sa Pilipinas sapagkat inaasahan na itong magaganap dahil sa ilang mga desisyong ginawa ng pamahalaan.
Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesperson harry Roque sa desisyon ng Asian Development Bank na baguhin ang economic growth outlook sa Pilipinas mula sa unang pinaniwalaang magaganap na 6.8 percent. Ginawa na lamang itong 6.4% ng Asian Development Bank na mayroong headquarters sa Mandaluyong City.
1 2 3 4 5