|
||||||||
|
||
Labor Undersecretary Joel Maglunsod, sinibak na
LABOR UNDERSECRETARY JOEL MAGLUNSOD. Sinibak na sa puesto. (File Photo/Melo Acuna)
TINANGGAL na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor and Employment Undersecretary Joel Maglunsod na dating kasapi ng Kilusang Mayo Uno. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa harap ng mga nagbalik-loob na rebelde sa Catarman, Northern Samar.
Sinabi ni Pangulong Duterte na nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang mga nagaganap na welga. Magugunitang itinalaga si Maglunsod bilang Undersecretary for Labor Relations mula noong Hulyo 2016.
Sa panig ni G. Maglunsod, 'di niya umano alam na nagdesisyon na ang pangulo na sibakin siya sa puesto. Pangunguna umano ng KMU sa mga welga ang nakaapekto sa ekonomiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |