|
||||||||
|
||
Secretary Diokno, nakikita ang 6.8% inflation forecast
BUDGET AND MANAGEMENT SECRETARY BENJAMIN DIOKNO. Gagaan din ang inflation rate sa huling tatlong buwan ng 2018. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na posibleng umabot sa 6.8% ang inflation rate noong nakalipas na Setyembre subalit hindi nararapat mangamba ang mga mamamayan sapagkat kinaya naman ng mga Filipino ang mas mataas na inflation rate.
Ang naganap na inflation rate noong panahon ni G. marcos ay 50.3 percent noong 1984 at kay Mrs. Aquino ay umabot naman sa 20%. Nakita na ang mas mataas na inflation rate noong mga nakalipas na panahon. Hiningan ng pananaw si G. Diokno sa naunang lumabas na impormasyong baka umabot sa 6.8% ang inflation rate noong nakalipas na Setyembre.
Mas mataas ito sa 6.4% na nakamtan noong nakalipas na Agosto at pinakamalaki mula noong Marso ng 2009.
Mababawasan rin ang inflation sa huling tatlong buwan ng taon bago makamtan ang target ng pamahalaan na mula 2 hanggang 4 na porsiyento.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |