|
||||||||
|
||
20181030melo.m4a
|
Bagyong "Rosita" humina na, patungo na sa karagatan
TULUYANG humina ang bagyong "Rosita" at patungo na sa South China Sea ngayong hapon. Ang bagyong tumama sa Isabela kaninang umaga ay lumabas na sa La Union kaninang ikalawa ng hapon. Pagsapit ng ika-apat ng hapon, ang mata nito ay nakita sa layong 125 kilometro sa hilagang kanluran ng Dagupan City.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, nakataas pa rin ang Storm Signal No. 2 sa Abra, Ilocos Sur, Benguet, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales. Mapanganib ang paglalakbay sa mga pook na ito.
Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Ilocos Norte, Apayao, Kalinga, Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Bulacan, Pampanga at Bataan, Rizal, Cavite, Laguna at Batangas. Posible pa ring maganap ang daluyong na aabot sa tatlong metro sa baybay-dagat ng Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Kumikilos na si "Rosita" patungo sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras at may lakas ng hanging 125 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot naman sa 190 kilometro bawat oras. Makalalabas ito sa Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |