Petisyon laban sa Bangsamoro Organic Law, nakarating na sa Korte Suprema
ISANG petisyon ang nakarating sa Korte Suprema na humihiling na ideklarang taliwas sa nilalaman ng Saligang Batas ang Bangsamoro Organic Law.
Hiniling ni Sulu governor Abdusakur Tan II sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order upang mapigilan ang pamahalaan na magpatupad ng Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nais din ng gobernador na pagbawalan ang ehekutibo na magpatupad ng taliwas sa Saligang Batas na organic law. Nagkaroon umano ng pag-abuso sa kanyang poder si Pangulong Duterte ng lagdaan noong ika-26 ng Hulyo na anglalayong magkaroon ng plebesito sa darating na ika-21 ng Enero.
1 2 3 4 5