|
||||||||
|
||
20181102melo.m4a
|
Napawalang-salang manggagawa, nakauwi na sa Pilipinas
Jennifer Dalquez, sinalubong ng mga magulang paginating sa NAIA. Luhaan ang mga magulang at ang kanilang anak sa pagtatagpo sa paliparan kaninang umaga. Napawalang-sala si Jennifer sa usaping pagpatay sa kanyang amo na nagtangkang manghalay sa kanya sa UAE. (Photo and Video mul;a sa DFA)
DUMALOY ang luha mula sa mga mata nina Jennifer Dalquez at ng kanyang mga magulang sa kanilang pagtatagpo sa Ninoy Aquino International Airport kaninang umaga. Nakauwi na rin sa wakas si Jennifer matapos mabilanggo at mapatunayang nagkasala ng pagpatay sa kanyang amo ilang taon na ang nakalilipas.
Magugunitang umapela ang Embahada ng Pilipinas sa desisyon kaya't napawalang-sala ang Filipina na tubong General Santos City.
Hindi na nagkatagpo sina Jennifer at ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa ilalim ni Ambaasador Hjayceelyn Quintana sapagkat matapos palayain sa piitan ay sinamahan na siya ng mga autoridad patungo sa paliparang pandaigdig ng Abu Dhabi.
Ipinagsakdal siya ng pagpatay noong 2014. Nagwagi ang embahada ng Pilipinas sa apela at ipinagutos na palayain na ang akusado. Nagkataon lamang na tinapos ang limang taong parusa sa kasong pagnanakaw na iginawad din sa kanya.
Sinagot na ng Department of Foreign Affairs ang gastos ng kanyang mga magulang sa dalawang ulit na pagdalaw sa piitan ilang taon na ang nakalilipas. Binigyan din siya ng kaukulang tulong ng Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment at maging Overseas Workers Welfare Administation.
Ayon sa datos ng United Arab Emirates, sa bilang na 9.54 milyong mga mamamayan sa bansa, may 5.56 na porsiyento ang mga Filipino na aabot sa 530,424 katao ang naghahanapbuhay sa mayamang pook.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |