|
||||||||
|
||
Mga problemadong manggagawa mula sa United Arab Emirates, nakauwi na
MAY 86 na manggagawang Filipino ang nakabalik na sa Pilipinas matapos gamitin ang tatlong-buwang amnesty na iginawad ng United Arab Emirates. Nakarating sila sa Maynila kaninang umaga, sakay ng Philippine Air Lines flight na sinakyan din ni Jennifer Dalquez.
Ika-11 grupo na ng mga manggagawa ang dumating kanina. Karamihan sa kanila ay mga walang papeles na household domestic workers. Sinalubong sila ng mga kagawad ng Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, at Overseas Workers Welfare Administration.
Bibigyan sila ng tiglilimang libong piso ng DFA at livelihood assistance mula naman sa Overseas Workers Welfare Administration.
Nanawagan ang DFA sa lahat ng mga illegal na manggagawa na gamitin na ang amnesty program ng UAE na magtatapos sa darating na unang araw ng Disyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |