|
||||||||
|
||
20181122melo.m4a
|
Memorandum of Understanding, hindi pa kasunduan sa exploration
IPINALIWANAG ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi na ang nilagdaang Memorandum of Understanding ay hindi pa kasunduan sa joint exploration. Magugunitang lumagda ang Pilipinas at Tsina sa isang dokumento na itinuturing na "joint consensus" sa pagtutulungan sa paghahanap ng paraan sa exploration ng kayamanan sa ilalim ng karagatan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
May mga pumuna at nababahala sa kawalan umano ng transparency sa nilagdaang dokumento sa likod ng mga pagdududa ng ilang sektor na gawa mismo ng Tsina ang nilalaman ng kasunduan.
Wala pang "joint exploration," dagdag pa ni Secretary Cusi. Tanging memorandum o cooperation upang mapakinabangan ang kayamanan sa karagatan at wala pang pinag-uusapan kung paano ito magagawa. Ito ang kanyang pahayag sa isang press conference sa kanyang tanggapan sa Department of Energy kanina.
Napapaloob sa nilagdaang dokumento na isulong ang pag-uusap upang malutas ang mga isyu kung paano magkakaroon ng exploration, magamit at mapakinabangan ang mga kayamanan sa ilalim ng karagatan.
May isang taon ang magkabilang panig mula sa petsa ng paglagda na magkaroon ng mga paraan upang makakuha ng paraan sa paghahanap ng petrolyo at natural gas sa karagatan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |