|
||||||||
|
||
Pagdalaw ni Pangulong Xi, magandang pagkakataong magkasundo at maisulong ang relasyon
MAGANDANG PAGKAKATAON ANG PAGDALAW NI PANGULONG XI. Ito ang sinabi ni G. Jaime FlorCruz, dating CNN Bureau Chief sa Beijing. (File Photo/Melo M. Acuna)
ISANG napapanahong pagdalaw ang ginawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas. Ito ang pananaw ni G. Jaime FlorCruz, dating pinuno ng CNN Beijing Bureau sa nakalipas na apat na dekada.
Isang mensaheng ipinadala sa tagapagbalitang ito, sinabi niya na isang pagkakataon ang naganap na pagbalik-aaralan ang relasyong namamagitan sa Tsina at Pilipinas, ipagdiwang ang mga naunang napagkasunduan at alamin ang nararapat pang gawin sa relasyon ng dalawang bansa.
Kasama sa pagdalaw na ito ang magagandang larawan ng dalawang pinuno ng bansa, mga simbolismo at ang mga pahayag na saklaw ng diplomasya. Mahalaga ang mga ito subalit hindi ito nararapat sumaklaw sa kahalagahan ng mga pag-uusap. Nakasama ang mga paglagda sa Memorandum of Understanding at mga kasunduang pang-ekonomiya na mahalaga sa magkabilang panig. Nararapat ipagpasalamat ang mga biyayang makakamtan sa mga kasunduan kasama na rin ng kahalagahan ng kapayapaang nananaig sa rehiyon.
Bagaman, ang mga ito ay bahagi lamang ng matagal na proseso ng pakikipagkaibigan sa isang malakas at mayamang kalapit-bansa, dagdag pa ni G. FlorCruz.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |