|
||||||||
|
||
20181127melo.m4a
|
Shabu na ipinuslit, nakarating na sa Maguindanao
ANG shabu na nasamsam sa Metro Manila at maging sa Maguindanao ay iisa ang pinagmulan. Ito ay ang 500 kilong shabu na itiago sa magnetic lifters sa Manila International Container Port noong Agosto.
Sa isang press conference na ipinatawag ng Presidential Communications Operations Office, sinabi ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na ang shabu na kanilang nasamsam sa Ayala Alabang, sa Sta. Cruz, Maynila at maging sa Maguindanao at ang nakuha sa MICP ay mayroong tinaguriang "correlation value" na .99.
Iisa ang pinagmulan ng shabu na may halagang P 2.4 bilyon na bahagi ng mas malaking kargamentong nakapasok sa bansa na higit na nabunyag sa pagkakatagpo sa apat na walang lamang magnetic lifters sa Cavite noong Agosto.
Ang mga aso ng PDEA ay naupo sa walang lamang magnetic lifters sa pagsalakay ng mga tauhan ng PDEA na nagbabadyang may illegal drugs ang mga lalagyang nagkakahalaga ng may P 11 bilyon.
Naniniwala silang naipuslit ang mga kontrabando bago pa man sumalakay ang mga tauhan ng PDEA.
Ayon sa "bill of lading" ng mga lifter na nasamsam sa MICP at Cavite ay konektado sapagkat nilalaman ng mga papel ang iisang pagdadalhan ng mga kargamento.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |