|
||||||||
|
||
Tigdas, pinaniniwalaang nasa likod ng pagkasawi ng 22 katao
PINANINIWALAANG tigdas ang dahilan ng pagkasawi ng may 22 katao sa Saranggani Province. Nagpadala na umano ng blood samples ang regional health unit sa Department of Health sa Maynila upang alamin kung tigdas nga ang dahilan ng kanilang pagkasawi.
Naghihintay pa ng ulat ang mga taga-Saranggani mula sa Department of Health Main Office. May 200 katao ang kinakitaan ng sintomas ng karamdaman.
Lumabas sa balita ng World Health Organization na bumaba ang bilang ng mga may tigdas ng may 84% mula 2000 hanggang 2016.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |