|
||||||||
|
||
20181126melo.m4a
|
Mas mabuting kalakaran para sa mga manggagawang Filipino inaasahan
FAIR RECRUITMENT, MAHALAGA. Ito ang sinabi ni G. Hussein Macarambon ng ILO (kaliwa) sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga. Higit na gaganda ang kalamayan ng mga manggagawa kung maayos ang recruitment. Na sa kanan naman si OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio. (Melo M. Acuna)
MAY MGA BANSANG GUMAGANDA ANG TRATO SA MGA BANYAGANG MANGGAGAWA. Ayon kay Bb. Susan Ople ng Blas F. Ople Policy and Training Center, ito ang nararapat abangan ng mga Filipino tulad ng pagluluwag sa Qatar at Bahrain. (Melo M. Acuna)
UMAASA ang iba't ibang stakeholders sa larangan ng overseas work na uunlad at gaganda ang kalakaran para sa mga nagbabalak lumabas ng bansa sa pagkakaroon ng "fair recruitment practices."
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga, sinabi ni OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio na kailangang magsanay at matuto ang mga nagnanais manglingkod sa mga tahanan bilang mga domestic worker sapagkat ang kawalan ng kaalaman sa paggamit ng appliances ang nagiging dahilan ng mga 'di pagkakaunawaan. Binanggit din niyang nararapat mabatid ng mga mangingibang-bansa na kakaiba ang ugali, pagkain at kultura ng kanilang paglilingkuran.
Sa panig naman ni G. Hussein Macarambon ng ILO, sinabi naman niyang sa pagkakaroon ng programa sa larangan ng fair recruitment, maiiwasan ang mga pang-aabuso ng ilang mga nagkakalakal ng mga nais mangibang-bansa.
Ayon kay Bb. Susan Ople, kailangang bigyang pansin ang mga nagaganap sa iba't ibang bansa sa Gitnang Silangan tulad ng Qatar na nagiging maluwag na sa mga banyagang manggagawa.
Iminungkahi ni G. Macarambon na bigyan ng pagkakataong makadalo sa mga pagsasanay ang mga taga-radyo at telebisyon sapagkat bukod sa mga manunulat sa iba't ibang pahayagan at online, kailangang masanay din ang mga madalas lapitan ng mga kamag-anak ng mga manggagawang naiwan sa Pilipinas.
Noong nakalipas na taon, umabot naman sa 10,008,223 ang mga Filipino sa iba't ibang bansa samantalang mayroon ding 444,954 ang sinasabing undocumented workers.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |