|
||||||||
|
||
Walang dapat pangambahan sa utang mula sa Tsina
SINABI ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III na walang dapat ipangamba ang mga mamamayan na malulubog ang bansa sa utang nito sa Tsina.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga mangangalakal sa Clark, Pampanga, sinabi ng kalihim na walang dahilan ang pangamba ng ilang sektor sapagkat ang utang na Pilipinas sa Tsina ay 0.11 percent lamang ng kabuuhang utang ng pamahalaan.
Niliwanag pa ng kalihim na tinitiyak nilang ang salaping inuutang ay mapakikinabangan ng madla sapagkat batid nilang ang mga mamamayan ang siyang magbabayad ng pagkakautang.
Magagamit na maayos ang salaping inutang sapagkat magpapasigla ito ng ekonomiya, dagdag pa ni Secretary Dominguez.
Dalawang utang lamang ang nakamtan ng Pilipinas mula sa Tsina, ang mga ito ay ang US$ 72.49 milyong Chico River Pump Irrigation Project at ang P 18.724 bilyong New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project.
Magugunitang sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa bansa, lumagda ang Pilipinas at Tsina sa 29 na mga dokumento.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |