|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
750 grams ng beef ribs
1 kutsara ng salted black beans
2 cloves o butil ng bawang, tinadtad
2 kutsarita ng light soy sauce
1 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry
1 kutsara ng cooking oil
½ kutsarita ng asukal
Paraan ng Pagluluto
Putulin ang ribs sa mga pirasong may habang 5 centimeters at lapad na 2.5 centimeters. Kung pinatuyong salted beans ang gagamitin, ibabad sa tubig sa loob ng 5 minutes tapos pigain para lumabas iyong sobrang tubig. Kung nasa latang salted beans naman ang gagamitin, banlawan at patuluin. Lamasin ang black beans at ihalo sa bawang, soya sauce at rice wine. Lamasin ang black beans at ihalo sa bawang, soya sauce at wine.
Initin ang mantika sa kawali at iprito ang ribs hanggang magkulay brown tapos idagdag ang lahat ng iba pang mga sangkap at ituloy pa sa loob ng mga 2-3 minutes. Ituluy-tuloy lang ang paghahalo. Lagyan ng tamang dami ng tubig hanggang lumubog lahat ang ribs. Takpan ang kawali at ilaga ang karne hanggang lumambot.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |