|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
8 abitsuwelas, ginayat nang manipis pahalang
6 na dahon ng Chinese cabbage, hiniwa sa 4 na piraso pahaba, at ginayat nang manipis pahalang
1 sayote, ginayat nang manipis
2 carrot, hiniwa sa apat na piraso pahaba, at ginayat nang manipis pahalang.
3 tasa ng sabaw ng manok
3 butil ng bawang, pinitpit
2 katamtamang laking sibuyas, ginayat nang manipis
1 chicken bouillon cube
4 na kamatis, ginayat nang pino
1 kutsarita ng asin
1 kutsarita ng pamintang durog
3 kutsara ng cooking oil
Paraan ng Pagluluto
Initin ang mantika sa kawali. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Haluhaluin, at sa katamtamang apoy, takpan sa loob ng 1 minute.
Idagdag ang sayote, carrots at abitsuwelas. Haluhaluin tapos ibuhos ang isang tasa ng sabaw ng manok. Idagdag ang niligis na chicken bouillon cube. Haluhaluin at takpan sa katamtamang apoy sa loob ng 3 minutes. Ituloy pa ang paghahalo.
Idagdag ang Chinese cabbage bago ibuhos ang natitira pang 2 tasa ng sabaw ng manok. Timplahan ng asin at pamintang durog. Ituloy pa ang paghahalo. Takpan, lakasan ang apoy at hayaan pang kumulo sa loob ng 2 minutes.
Pagkaraan, puwede nang ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |