|
||||||||
|
||
Pinapurihan ni Xi ang paghahayag ng bagong Pamahalaan ng Iran ng positibong pakikitungo sa paglutas ng isyung nuklear ng bansa. Aniya, naninindigan ang Tsina na igalang ang makatarungang karapatan at interes ng Iran, igiit ang paglutas ng isyung nuklear sa pamamagitan ng diyalogo, at nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap para mapasulong ang talastasan.
Inulit ni Rohani ang paninindigan ng Iran sa mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear. Nakahanda aniya ang Iran na paunlarin ang planong nuklear sa framework ng pandaigdig na batas at Nuclear Non-Proliferation Treaty (NPT). Tatanggapin aniya ng Iran ang pagsusuperbisa ng International Atomic Energy Agency (IAEA), at aalisin ang pagkabahala ng komunidad ng daigdig sa pamamagitan ng kooperasyon.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |