Nag-usap kahapon, Pebrero 24, 2016 sa Washington sina Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina at Richard N.Haass, Chairman of Council on Foreign Relations ng Amerika. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa patakarang panlabas ng Amerika at pakikipagtulungan nito sa Tsina sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Ipinahayag ni Wang Yi na bilang dalawang mahalagang puwersa sa mga suliraning pandaigdig, ang pagpapalakas ng estratehikong pagtitiwalaan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika ay makakatulong sa pagpapasulong ng kapayapaan, kaligtasan at kaunlaran ng daigdig.
Ani Wang, sa pinapalawak na komong interes ng Tsina at Amerika sa Asya-Pasipiko, positibo ang Tsina sa pagsasagawa ng mapayapa, at bukas na patakarang may mutuwal na kapakinabangan sa rehiyong ito. Nakahanda aniya ang Tsina na makipagdiyalogo sa Amerika tungkol sa mga sensitibong isyung kapuwa nila pilahahalagahang gaya ng kalagayan sa karagatan, para pasulungin ang konstruktibong pagtutulungan ng dalawang panig sa rehiyong ito.