Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pitong Pilipino, nasawi sa Yemen

(GMT+08:00) 2013-12-06 19:15:42       CRI

KINONDENA ng Pilipinas ang walang katuturan at barbarong gawi ng mga terorista sa Yemen samantalang nanawagan sa pamahalaan na dakpin ang mga may kagagawan ng krimen samantalang humiling na tiyakin ang kaligtasan ng mga banyaga sa bansa.

Pitong Pilipino na kinabibilangan ng isang manggagamot ang nasawi sa pananalakay ng mga terorista sa Yemeni Defense Ministry Complex kahapon. Labing isa pa ang nasugatan at nasa ilalim ng trauma. Isa ang nasugatan sa ulo na kinailangang maoperahan. Ang mga biktima ay pawang naglilingkod sa isang pagamutan sa loob ng defense complex.

Ito ang ibinalita ni Assistant Secretary for Foreign Affairs Raul Hernandez na kumpirmado nina Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago at Honorary Consul sa Sana'a Mohammad Al-Jamal at isang civic leader na nakilala sa pangalang Esther Galahan.

Hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ng nasawi hanggang hindi nababalitaan ng kanilang mga kamag-anak.

Dinala ang mga sugatan sa isang ligtas na pook. Nabawi na ng mga alagad ng pamahalaan ang complex na pinasok ng mga terrorista.

Dumalaw na ang Honorary Consul at si Bb. Galahan sa mga morgue upang alamin kung mayroon pang mga Pilipinong nasawi. Nakikipagtulungan na rin ang embahada sa mga opisyal ng Yemen upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa bansa at inaalam pa rin nila ang iba pang detalyes.

Ipadadala ni Ambassador Tago si Vice Consul Redentor Genotiva sa Sana'a sa pinakamadaling panahon upang matulungan ang mga biktima an mabatid ang situwasyon. Tutulong din siyang madali ang paguuwi ng mga labi ng mga biktima.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>