Fundraising, idinaos para sa mga nilindol sa Bohol
ISANG konsiyerto ang idinaos noong nakalipas na Sabado sa Cebu City upang makalikom ng salapi para sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol.
Itinaguyod ng Family of United and Empowered Leaders, ang 8th District ng Commission of Youth of the Archdiocese of Cebu at sinuportahan din ni Cebu Archbishop Jose S. Palma.
May temang "Refuel your Faith: Go and make Disciples of All Nations," ipinagdiwang din ang Year of Faith at ang 2013 World Youth Day na idinaos naman sa Rio de Janeiro, Brazil.
Isang pagdiriwang din ito sa idinaos na National Thanksgiving Mass para kay San Pedro Calungsod.
Idinaos sa Pope John XXIII Seminary Football field, higit sa 1,000 mga mamamayan mula sa mga parokya, paaralan at mga samahan ang dumalo sa pagtitipon.
1 2 3 4