|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagtulong ng Tsina at iba ang mga bansa, ipinagpasalamat ng United Nations

TULONG NG IBA'T IBANG BANSA, MAHALAGA. Ayon kay Chris Kaye, Deputy Humanitarian Coordinator ng United Nations, nakatutuwa ang tugon ng iba't ibang bansa sa pangangailangan ng mga biktima ni "Haiyan" noong nakalipas na buwan. Binanggit niya ang naging papel ng Peace Ark hospital ship ng Tsina na mayroong "state-of-the-art" facilities na kanilang dinalaw kamakailan. Magtatagal ang mga tauhan ng United Nations sa pagtulong sa mga biktima hanggang sa taong 2014. (Melo M. Acuna)
MAHALAGA ang naging papel ng iba't ibang bansa sa pangangailangan ng mga Pilipinong nasalanta ni "Yolanda" noong nakalipas na buwan.
Ayon kay Chris Kaye, ang Deputy Humanitarian Coordinator ng United Nations, kapuri-puri ang nagawa ng pamahalaang pambansa at lokal sa pagpapanatili ng mas mababang bilang ng mga casualty. Inihambing niya ang Category Four cyclone na tumama sa Myanmar noong 2008 na ikinasabi ng 125,000 katao.
Nakabili na rin ang United Nations ng binhi para sa mga magsasakang kailangang magtanim ng palay mula ngayong buwan hanggang sa huling bahagi ng Pebrero ng 2014.
Sa kanilang pagsusuri at pahayag ng mga biktima, kailangan nilang maitayong muli ang kanilang mga tahanan, magkaroon ng panibagong hanapbuhay at maipadalang muli ang kanilang mga supling sa paaralan.
Nagpapatupad na sila ng cash-for-work tulad ng paglilinis ng mga lansangan upang magamit sa pagtulong sa mga biktima.
Idinagdag pa ni G. Kaye na isusunod nila ang palatuntunan para sa mga magsasakang ng niyog na maaring masimulan sa buwan ng Enero o Pebrero ng 2014. Magtatagal ang kanilang pagtulong sa mga biktima ni "Yolanda" hanggang sa 2014.
Bagaman, hindi niya mataya kung gaano ang naging pinsala ng nakalipas na bagyo sa larangan ng mga pananim, pagawaing-bayan, mga maituturing na lost opportunities at iba pang social costs.
Isang malaking problema na nararapat malutas ng mga biktima at ng pamahalaan ang potensyal na 'di pagkakaunawaan sa relokasyon ng mga naninirahan sa kinikilalang "no-build zones." Kailangang malutas ang mga isyu tulad ng pagkakakitaan ng mga ililipat ng tahanan at ang personal na ari-arian ng mga mamamayan na hindi na ipagagamit ng pamahalaan.
Ani ni G. Kaye, nakakataba ng puso ang tugon ng iba't ibang bansa sa mga nasalanta, tulad ng Tsinan a nagpadala ng kanilang "state-of-the-art" na barkong dumadalo sa mga pangangailangan ng mga maysakit at mga nasugatan at nangangailangan ng operasyon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |