|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap: 300 gramo ng sitsaro (o snow peas)
Para sa Seasoning:
20 gramo ng vegetable oil
5 gramo ng asin
5 gramo ng asukal
5 gramo ng tinadtad na sibuyas-Tagalog o shallot
5 gramo ng tinadtad na luya
10 gramo ng tinadtad na bawang at
20 gramo ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto:
1. Una, hugasan ang sitsaro at putulin ang magkabilang dulo. Tanggalin din ang fiber sa gilid.
2. Ibuhos ang mantika sa frying pan tapos painitin. Pagkaraan, ilagay ang luya at sibuyas.
3. Pag naamoy na ninyo ang bango ng luya at sibuyas, ilagay ang sitsaro at igisa.
4. Ilagay ang asin, asukal, mixture of cornstarch and water at bawang tapos ituloy ang paggisa at siguruhin na balanse ang pagkakagisa ng magkabilang sides ng sitsaro. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve. Very simple di ba?
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |