|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap:
400 gramo ng chicken breast.
At para sa seasoning, kakailanganin ang mga sumusunod:
100 gramo ng vegetable oil
20 gramo ng red dried chilies (finely chopped)
50 gramo ng mani (ung fried at walang balat)
2 itlog (gagamitin lng ung pula)
5 gramo ng asin
5 gramo ng asukal
10 milliliter ng suka
10 milliliter ng cooking wine
5 gramo ng dinikdik na bawang
5 gramo ng soy sauce
20 gramo ng harina at
20 gramo ng mixture of cornstarch and water
Punta naman tayo sa paraan ng pagluluto:
Hiwain nang pa-cube ang chicken breast sa sukat na 2-3 centimeters ang lapad ng bawat gilid. Ilagay ang mga cubes sa bowl. Isama ang egg yolk, asin at harina at haluing mabuti.
Mag-init ng 80 grams ng mantika sa kawali tapos iprito ang chicken cubes hanggang magkulay brown. Tanggalin pagkatapos at alisin ang pinagprituhang mantika.
Mag-init ng 20 grams ng mantika sa kawali at igisa ang red chilies at bawang hanggang sa malanghap ang bango tapos ilagay ang chicken cubes at balibaligtarin nang maraming ulit.
Ilagay ang mani, soy sauce, cooking wine, asukal, suka at mixture of cornstarch and water. Balibaligtarin pa nang maraming ulit. Pagkaraan niyan, the dish is ready to serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |