|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
3-4 na malalaking kuwadrado ng malambot na bean curd, tumitimbang ng mga 750 grams
1 1/2 kutsara ng mantika
4 na butil o cloves ng bawang, tinadtad
3 pinatuyong black mushrooms, ibinabad at hiniwa nang manipis at pahaba
250 grams ng tinadtad na lean pork
2 kutsara ng hot bean paste
1/2 tasa ng beef stock
1 kutsara ng dark soya sauce
1 kutsara ng light soya sauce
1 pirot ng vetsin
2 kutsarita ng cornflour
2 kutsara ng tubig
1 kutsarita ng sesame oil
1-2 spring onions, tinadtad nang pino
Paraan ng Pagluluto
Hiwain ang bean curd nang pa-cube sa sukat na 2 sentimetro o 2 centimeters tapos ilagay sa colander para tumulo.
Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang sa loob ng 15 segundo o 15 seconds. Idagdag ang mushrooms at ituloy ang paggisa sa loob pa rin ng 15 segundo. Ilagay ang karne, dagdagan ang apoy at igisa sa loob ng 3 minuto o 3 minutes. ldagdag ang bean paste at igisa pa nang 30 segundo. Ibuhos ang sabaw tapos ilagay ang 2 uri ng soya sauce at ang vetsin. Iluto nang 2 minuto bago idagdag ang mixture of cornstarch and water. Haluin tapos idagdag ang mga piraso ng bean curd. Ituloy pa ang paghahalo at lutuin nang 1 minuto. isilbi kaagad pagkalutung-pagkaluto makaraang wisikan ng sesame oil at budburan ng spring onions.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |