|
||||||||
|
||
Kahit hindi pa nya ako masyadong kilala, laking gulat ko nang sabihin niya sa aking lumaki sya sa isang Katolikong pamilya. Dito po kasi sa China, marami na rin ang mga Katoliko, pero, pambihira kang makakakita ng isang taong mula sa isang Katolikong pamilya.
Sinabi niya sa akin na mahigpit din ang kaugnayan ng kanyang pamilya sa mga Pilipino. Ang kanyang ate ay nasa Pilipinas at tumutulong sa isang orphanage. At kamakailan lamang, isang Pilipinong pari ang dumalaw sa Lanzhou at naging panauhin ng kanilang pamilya. Namangha po ako sa mga sinabi ni Vicky, at tinanong ko sya, kung paano naging Katoliko ang kanyang pamilya, sinabi niyang nagsimula silang naging Kristiyano noong panahon ng kanyang great great grandfather. Simula noon, naging Kristiyano na ang kanilang pamilya.
Ang asawa ni Vicky na si Francis ay hindi Kristiyano noong una, pero, dahil gusto talaga niya itong si Vicky, napalapit siya sa Kristiyanismo. Ilang taon na ang nakaraan, bago sila magpakasal, naging Kristiyano na rin Francis. Sabi ni Francis, noong nakaraang taon, nag-pilgrimage silang mag-asawa sa Vatican City, sa Roma upang makita ang sentro ng Kristiyanismo. Para sa isang ipinanganak at lumaki sa Lanzhou, na isang Muslim area, namangha po sa mag-asawang ito. Sa ngayon, mayroon nang isang anak na lalaki si Francis at Vicky, at ayon sa kanila, marunong nang magsabi ng "AMEN" ang kanilang anak.
Bago po kami magpaalam sa Lanzhou, inimbitahan kami ni Vicky na bisitahin ang kanilang simbahan. Doon, nakilala po ng inyong lingkod ang parish priest sa Lanzhou. Ayon sa kanya, nagsimula ang Katolisismo sa Gansu province noong mga 1300s. Nagmula ito sa mga travelling priest mula sa south China. Mula noon, lumaganap ito sa buong bansa. Aniya pa, sa ngayon, mayroon nang mahigit 3,000 Katoliko sa Lanzhou City. Alam po ninyo mga kaibigan, matagal-tagal na rin po ako sa China at marami na rin po akong nasaksihan, pero, wala pong katulad ng ganito: isang Catholic community na nammumuhay nang mapayapa sa gitna ng isang Muslim na probinsya, at isang Katolikong pamilya na may-mahigpit na relasyon sa mga Pinoy. Para sa akin, tunay ngang kahanga-hanga.
Lanzhou fruit soup
putaheng lanzhou
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |