|
||||||||
|
||
Ngayon ay dumako naman tayo sa ikalawang bahagi ng ating programa. Ayon sa online magazine na GuideinChina, ang Hangzhou ang most-Googled destination sa buong Tsina, at ito ay tumanggap ng mahigit 3 milyong bisita. Ayon pa sa nasabing magazine, "the green spaces, undulating terrain, and tranquil lakeside vistas—which caused early visitor Marco Polo to declare it "the City of Heaven, the most beautiful and magnificent in the world." Narito ang 5 dahilan para bisitahin ang Hangzhou:
1. West Lake
Isang UNESCO World Heritage Site, at pinakapopular na destinasyong panturista ng Hangzhou. Ayon sa GuideinChina, ito ay "endlessly photogenic expanse of fog-shrouded water crisscrossed with stone causeways and dotted with willow-heavy islands." Maraming daanan sa paligid ng lawa para sa mga bikers at strollers, pero, ang pinakamaganda ay pamamasyal sa pamamagitan ng bangka, either sa umaga o sa gabi. Sa gabi, makikita ang mga ilaw ang mga naggagandahang ilaw na kumukutikutitap sa mga pagoda. Dagdag pa ng GuideinChina "for something even more dramatic, stay for a performance of Impression West Lake. This water-based operatic show comes from the directorial mastermind behind the opening ceremony of the Beijing Olympics and is as spectacular as you might expect."
2. Cycling Opportunities
Nag-umpisa sa Hangzhou ang unang bike-share program ng Tsina noong 2008 at mula noon, patuloy itong lumaki at naging pinakamalaki sa buong mundo. Ito'y may halos 66,500 na bisikleta na available sa kapuwa mga residente at turista. Ayon sa plano ng mga local na opisyal, balak nilang paabutin sa 175,000 ang bilang ng mga bisikleta sa 2020. Isa sa mga panakamagandang bike path ay ang dumaraan sa Su Di causeway sa paligid ng West Lake. Mainam na magbisikleta rito tuwing umaga, kapag wala pang masyadong mga turista, at ballot pa ito ng hamog. Ang isa pa ay ang pasunod sa bahagi ng Grand Canal, ang pinakamahaba at pinkamatandang man-made canal sa mundo. Ang canal na ito ay may habang 1,200 milesmula sa Beijing patungong Hangzhou. Ito'y masasabing isang feat of engineering na maaring kumaribal sa Great Wall, pero, kaunti lamang ang may alam nito sa labas ng Tsina.
3. Crafting Culture
Ang Hangzhou ay regional cultural hub, at tahanan ng maraming kakaibang museo, na nagbibigay-pugay sa tradisyonal na pagkamalikhain at sining ng lunsod. Ilan sa mga ito ang Umbrella Museum, the Fan Museum, the Knife, Scissors and Sword museum at the National Silk Museum, the largest of its kind in the world. Ang pinaka-kagilala-gilalas ay ang National Tea Museum, kung saan malalaman ang lahat tungkol sa pagtatanim, paggawa, pag-transport, at kultura ng pag-inom ng tsaa.
4. Pagkaing Kalye sa Museum
Ang unique sweet-and-spicy cuisine ng Hangzhou at rehiyon na ito ay makikita sa $30-million Hangzhou Cuisine Museum. Dito, naka-display ang mga replica ng daan-daang tradisyonal na putahe. Pero, para matikman ang real thing, kailangang pumunta sa snack street. Maraming ganito sa lunsod at dito matitikman ang mga pika-pika na tulad ng deep-fried stinky tofu: ito'y mabaho pero napakasarap naman; freshly cooked crab legs, at para naman sa mga gusto ng exotic dishes, binaberkyung insekto at marami pang iba.
5. Tea Culture
Ang Hangzhou ay tanyag sa Longjing (Dragon Well) tea, at katangi-tanging green tea. Sa Meijiawu Tea Plantation village, 20 sa labas ng city center, makikita kung paano anihin ang tsaa, i-hand-roasted sa 200 degrees (to arrest the fermentation process), at ipakete, habang humihigop ng sublime Xihu Longjing tea. Ayon sa kulturang Tsino, kailangang uminom ng 8 tasa ng tsaa araw-araw upang magkaroon ng mahabang buhay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |