Nag-usap sa telepono kagabi, Biyernes, ika-25 ng Setyembre 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Yoshihide Suga ng Hapon.
Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng panig Tsino, kasama ng bagong pamahalaang Hapones, na batay sa mga prinsipyo at diwa ng apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa, maayos na hawakan ang mga sensitibong isyung kinabibilangan ng isyung pangkasaysayan, palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at palawakin ang pagpapalitan ng mga mamamayan. Ito aniya ay para matamo ng relasyong Sino-Hapones ang bagong pag-unlad.
Tinukoy din ni Xi, sa kabila ng epektong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lumakas pa rin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Hapon. Umaasa aniya siyang magkasamang pananatilihin ng dalawang bansa ang maayos na industrial chain at supply chain, at bukas na kapaligirang pangkalakalan at pampamumuhunan.
Dagdag ni Xi, kailangang itaguyod at isagawa ng Tsina at Hapon ang multilateralismo, at pangalagaan ang pandaigdigang kaayusan at sistemang ang nukleo ay United Nations, para magbigay-ambag sa kasaganaan at kaunlaran ng Asya, at kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Suga ang lubos na pagpapahalaga ng Hapon sa relasyon sa Tsina. Binigyan din niya ng mataas na pagtasa ang suportang ibinigay ng isa’t isa sa gitna ng laban kontra COVID-19.
Umaasa si Suga, na patuloy na magsisikap ang Hapon at Tsina para palakasin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at palalimin ang pagpapalitan ng mga mamamayan.
Kailangan din aniyang tiyakin ng dalawang bansa na malalagdaan ang kasunduan sa Regional Comprehensive Economic Partnership sa loob ng taong ito, at pabilisin ang talastasan sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea.
Salin: Liu Kai
Tsina, binati si Yoshihide Suga sa kanyang panunungkulan bilang PM ng Hapon
Tsina, positibo ang pagtasa sa ginawang ambag ni Shinzo Abe para sa relasyong Sino-Hapones
Shinzo Abe, nagpasiyang magbitiw sa tungkulin bilang Punong Ministro
Tsina, Hapon at T.Korea, idinaos ang espesyal na pulong para magkakasamang labanan ang COVID-19