Ipinadala Lunes, Setyembre 28, 2020 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Raul Castro Ruz ng Cuba ang mensahe sa isa’t-isa bilang maringal na pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na nitong 60 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Cuba, nag-uunawaan, nagtitiwalaan, at nagkakatigan ang dalawang bansa.
Aniya, nitong ilang taong nakalipas, komprehensibong umuunlad ang kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Cuba, at aktibo nilang itinatatag ang “Belt and Road,” bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa kanilang mga mamamayan.
Sinabi ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Cuba. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Cuba para walang humpay na mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mapalawak ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, dagdag pa ni Xi.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Raul Castro Ruz na nakaranas ang pagkakaibigan ng Cuba at Tsina ng mga pagsubok sa kasaysayan.
Aniya, sa harap ng pandemiya ng COVID-19, nagsisikap ang dalawang bansa para mapalakas ang pagkakaisa at maisagawa ang mga siyentipikong hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Nakahanda ang Cuba na patuloy na patibayin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Cuba at Tsina, at palawakin ang kanilang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, dagdag pa niya.
Salin: Lito