Tsina, tutol sa paghirang ng Amerika ng umano’y espesyal na koordinator sa mga suliranin ng Tibet

2020-10-16 16:22:46  CMG
Share with:

Kaugnay ng paghirang ng Amerika ng umano’y espesyal na koordinator sa mga suliranin ng Tibet, ipinahayag nitong Huwebes, Oktubre 15, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay ganap na manipulasyong pulitikal, at layon nitong makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at sumisira sa kaunlaran at katatagan ng Tibet.
 

Ani Zhao, laging buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, at hinding hindi kikilalanin ito.
 

Tinukoy ni Zhao na ang mga mamamayan ng iba’t ibang lahi sa Tibet ay mga miyembro ng buong pamilya ng sambayanang Tsino. Nitong nakalipas na mahigit 60 taon pagkaraan ng mapayapang liberasyon ng Tibet, walang humpay na bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Lubos na iginagalang at iginagarantiya ang iba’t ibang karapatan ng mga mamamayan ng lahat ng mga lahi sa Tibet na kinabibilangan ng mga kababayang Tibetano.
 

Dagdag niya, dapat itigil ng panig Amerikano ang paggamit ng mga isyung may kinalaman sa Tibet bilang katwiran sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at pagsira sa kaunlaran at katatagan ng Tibet. Isasagawa aniya ng panig Tsino ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin para ipagtanggol ang sariling kapakanan.
 

Salin: Vera

Please select the login method