Tsina, tutol sa pagpapataw ng panig Amerikano ng “sangsyon sa mga tauhang Tsino,” dahil sa "Hong Kong Autonomy Act"

2020-10-16 16:20:49  CMG
Share with:

Sinabi nitong Huwebes, Oktubre 15, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa regular na preskon sa Beijing, na buong tatag na tinututulan at mariing kinokondena ng panig Tsino ang paglikha ng panig Amerikano ng umano’y "Hong Kong Autonomy Act," at pagpapataw ng sangsyon sa mga tauhang Tsino ayon sa nasabing batas. Nagharap na aniya ang Tsina ng solemnang representasyon sa panig Amerikano.
 

Ayon sa ulat, nagbabala kamakailan ang Kagawaran ng Estado ng Amerika sa mga pandaigidgang organong pinansyal na kung magkakaroon ito ng anumang business contact sa mga tauhang Tsino na nasa likod ng “pagsira sa awtonomiya ng Hong Kong,” haharapin nila ang sangsyon ng panig Amerikano. Ipinagkaloob din ng nasabing kagawaran ang listahan ng 10 tauhang Tsino.
 

Kaugnay nito, tinukoy ni Zhao na ang Hong Kong ay nabibilang sa Tsina, at ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Walang karapatan ang anumang bansang dayuhan na makialam dito.
 

Saad ni Zhao, ang kilos ng panig Amerikano ay malubhang lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na simulain ng relasyong pandaigdig, at tahasang nakialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Dapat iwasto ng panig Amerikano ang kamalian, at itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina, sa pamamagitan ng anumang paraan.
 

Dagdag niya, tiyak na isasagawa ng panig Tsino ang ganting hakbangin, para ipagtanggol ang soberanya, seguridad at kapakanan ng bansa, at pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga bahay-kalakal at kaukulang tauhang Tsino.
 

Salin: Vera

Please select the login method