Shanghai, Tsina—Nitong Linggo, Oktubre 18, 2020, nanumpa sa tungkulin ang mahigit 4,800 boluntaryo para sa Ika-3 China International Import Expo (CIIE).
Kabilang dito, halos 500 kabataang boluntaryo ang dumalo sa seremonya ng panunumpa sa pagdarausan ng Ika-3 CIIE, at ang mahigit 4,300 na iba pa ay sumali naman, sa pamamagitan ng online platform.
Isang espesyal na plano ang tinakda ng kaukulang departamento ng Shanghai upang maigarantiya na tutupdin ng mga boluntaryo ang kani-kanilang tungkulin, habang pinapabuti ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Idaraos sa Shanghai ang Ika-3 CIIE mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre.
Salin: Vera