Mula Oktubre 26 hanggang Oktubre 29, 2020, ginaganap sa Beijing ang Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Paano paplanuhin ng Tsina ang kinabukasan? Saan patungo ang Tsina? Napakahalaga ng ika-14 na panlimahang taong plano ng Tsina hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan. Lalong lalo na, sa kasalukuyan, matamlay ang kalakalang pandaigdig, di-sapat ang lakas-panulak ng pagluluwas ng mga panindang Tsino, at nagiging mas sensitibo ang pag-ahon ng Tsina sa maligalig na kalagayan ng kapaligirang pandaigdig.
Si Dr. Robert Lawrence Kuhn, Friendship Medal Awardee ng reporma at pagbubukas ng Tsina ay nakapokus sa estratehiya ng “dual circulation” na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Pakinggan po natin ang kanyang pag-aanalisa sa “2035 Vision” ng midterm economic strategy ng Tsina.
Salin: Vera