Quanzhou, Lalawigang Fujian ng Tsina—Binuksan nitong Lunes, Oktubre 12, 2020 ang Pandaigdigang Simposyum hinggil sa Pagpawi sa Kahirapan at Responsibilidad ng mga Partidong Pulitikal.
Sa kanyang liham na pambati sa nasabing simposyum, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na ang pagpawi ng kahirapan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ay mahalagang misyon ng CPC.
Saad ni Xi, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, ginawang mahalagang tungkulin ng pagsasakatuparan ng target ng partido ang pagpawi ng kahirapan. Aniya, may kompiyansa at kakayahan ang Tsina na komprehensibong mapawi ang kahirapan, at maagang isakatuparan ang target ng pag-ahon sa kahirapan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN).
Diin ni Xi, sa kasalukuyan, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng iba’t ibang panig, natamo ng pandaigdigang usapin ng pagpawi sa karalitaan ang malaking progreso, at nananatiling matindi pa rin ang mga kinakaharap na kahirapan at hamon. Aniya, kailangang kailangan ang komong pagpupunyagi ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng mga partidong pulitikal ng iba’t ibang bansa at paggigiit sa multilateralismo, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan, at mapabilis ang proseso ng pag-ahon sa karalitaan ng buong mundo.
Salin: Vera