Ngozi Okonjo-Iweala, inirekomenda ng troika bilang pinal na kandidato para sa pagka-Direktor Heneral ng WTO

2020-10-29 16:10:22  CMG
Share with:

Ayon sa pinal na rekomendasyong isinumite ng isang masusing grupo ng mga embahador ng World Trade Organization (WTO), na kilala rin bilang “troika,” si Ngozi Okonjo-Iweala, dating Ministro ng Pinansya ng Nigeria ang pinal na kandidato para sa pagka-Direktor Heneral ng WTO.
 

Ang nasabing impormasyon ay ipinatalastas nitong Miyerkules, Oktubre 28, 2020 ni Keith Rockwell, Tagapagsalita ng WTO.
 

Aniya, idaraos sa Nobyembre 9 ng mga kasapi ng WTO ang pulong ng Pangkalahatang Konseho, at inaasahang gagawin ang pinal na kapasiyahan sa nasabing usapin sa lalong madaling panahon.
 

Ayon pa rin kay Rockwell, ang Amerika ang siyang tanging kasapi na hindi sumusuporta sa panunungkulan ni Ngozi Okonjo-Iweala sa nasabing posisyon.
 

Salin: Vera

Please select the login method