Xi Jinping, ipinagdiinan ang inobasyon sa kanyang mensahe sa Ika-3 World Laureates Forum

2020-10-30 15:55:11  CMG
Share with:

Ginanap Biyernes, Oktubre 30, 2020 sa Shanghai ang Ika-3 World Laureates Forum. Sa pamamagitan ng video link, nagtalumpati sa porum si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
 

Tinukoy ni Xi na sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), magkakasamang hinanap ng mga siyentipiko ng iba’t ibang bansa ang paraan ng paglaban sa pandemiya, at isinasagawa ang kooperasyon sa maraming mahahalagang larangan. Malaki ang ginawang ambag nila para sa pananaig sa pandemiya.


Saad niya, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, kailangang isagawa ang kooperasyon sa pananaliksik, sa mga larangan ng medisina, bakuna, at pagsusuri ng COVID-19, upang bigyang-daan ang paghahatid ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya ng mas maraming benepisyo sa sangkatauhan.
 

Diin ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, at laging ginagawang unang lakas-panulak ng pag-unlad ang inobasyon. Aniya, isasagawa ng kanyang bansa ang mas bukas at inklusibong estratehiya ng pandaigdigang kooperasyong pansiyensiya’t panteknolohiya na may mutuwal na kapakinabangan at pagbabahaginan. Nakahanda rin aniyang palakasin ng Tsina ang kooperasyon sa mga namumukod na siyentipiko at pandaigdigang organisasyong pansiyensiya’t panteknolohiya.
 

Ang World Laureates Forum ay inilunsad ng World Laureates Association (WLA). Ang tema ng kasalukuyang porum ay “Siyensiya’t Teknolohiya, Para sa Komong Kapalaran ng Sangkatauhan.” Mahigit 300 siyentipiko mula sa buong mundo, na kinabibilangan ng 61 Nobel Prize laureates ang sumali sa naturang porum.
 

Salin: Vera

Please select the login method