Sa darating na 5 taon, tuluy-tuloy na bababa ang kabuuang bolyum ng pagbuga ng mga pangunahing pollutant ng Tsina.
Hanggang sa taong 2035, pagkaraang dumating sa peak value ang pagbuga ng karbon ng Tsina, pabababain ito at magkakaroon ng saligang pagbuti ang kapaligirang ekolohikal.
Ito ay upang maisakatuparan sa kabuuan ang target ng pagtatatag ng magandang Tsina.
Ang nabanggit na plano ay nakapaloob sa ekspektasyon ng pag-unlad ng Tsina sa komunike ng Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Isa sa mga tampok ng naturang komunike ang hinggil sa target ng pangangalaga sa ekolohiya at berdeng pag-unlad ng Tsina.
Nitong nakalipas na 5 taon, walang katulad na pansin at malaking pondo ang inilaan ng Tsina sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal.
Ayon sa datos, sa panahon ng ika-13 panlimahang taong plano, tuluy-tuloy na bumaba ang pagbuga ng carbon dioxide kada GDP unit; at umabot sa 15.3% ang proporsyon ng non-fossil energy sa primary energy consumption.
Sa kasalukuyan, ang buong tatag na pagtahak sa landas ng berdeng pag-unlad ay nagsisilbing isa sa mga nukleong ideya ng kontruksyon ng bansa sa ilalim ng pamumuno ng CPC.
Ayon sa pagtaya, hanggang sa taong 2025, aabot sa 12 trilyong yuan RMB ang output value ng green economy ng Tsina, at ito ay katumbas ng halos 8% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Hanggang sa taong 2035, may pag-asang lalampas sa 10% ang proporsiyong ito.
Patuloy na igigiit ng Tsina ang pagpapauna sa ekolohiya, aktibong sasali sa pandaigdigang pagsasaayos sa bio-dibersidad, at gagamitin ang mas maraming katalinuhan at puwersa para sa sustenableng pag-unlad ng lipunan ng sangkatauhan.
Salin: Vera