Pangulong Tsino, bumati sa muling panunungkulan ni Magufuli bilang pangulo ng Tanzania

2020-11-06 16:08:11  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Huwebes, Nobyembre 5, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay John Pombe Magufuli, upang batiin siya sa kanyang muling pagkahalal bilang pangulo ng Tanzania.
 

Saad ni Xi, matatag ang pag-unlad ng relasyong Sino-Tanzanian, at walang humpay na natamo ng pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig ang mga bagong bunga. Sa proseso ng magkakapit-bisig na paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sumusuporta at nagtutulungan sa isa’t isa ang magkabilang panig.
 

Dagdag niya, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng bilateral na relasyon, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Magufuli, upang pasulungin ang pagtamo ng komprehensibo’t kooperatibong partnership ng Tsina at Tanzania ng mas malaking progreso, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method