Pagtatatag ng de-kalidad na Sichuan-Tibet Railway, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2020-11-08 16:11:41  CMG
Share with:

Hinimok kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga konstruktor na magpunyagi para mapasulong ang pagtatayo ng de-kalidad na Sichuan-Tibet Railway.
 

Ipinahayag ni Xi ang nasabing patnubay sa bisperas ng pagsisimula ng proyekto ng Ya'an-Nyingchi Section ng Sichuan-Tibet Railway Linggo, Nobyembre 8, 2020.
 

Tinukoy ni Xi na ang pagtatatag ng nasabing daambakal ay isang mahalagang hakbangin sa estratehiya ng pangangasiwa ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Tibet sa bagong panahon.
 

Aniya, ito ay may napakalaking katuturan para sa pangangalaga ng unipikasyon ng bansa, pagpapasulong sa pagkakaisa ng nasyon, pagpapatibay ng katatagan sa purok-hanggahan, at pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan sa gawing kanluran ng bansa, lalong lalo na, ng Lalawigang Sichuan at Rehiyong Awtonomo ng Tibet.
 

Sa kabilang dako, hiniling naman si Premyer Li Keqiang na dapat kumpletuhin ang proyektong ito; igarantiya ang ligtas na produksyon; palakasin ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal; at gawin ang bagong ambag tungo sa pagpapabuti ng biyaya ng mga mamamayan sa kahabaan ng daambakal, pagpapasulong sa koordinadong pag-unlad ng rehiyon, at komprehensibong pagtatatag ng sosyalistang modernong bansa.
 

Salin: Vera

Please select the login method