Kasalukuyang ginaganap sa lunsod ng Shanghai ang Ika-3 China International Import Expo (CIIE).
Kaugnay nito, nakatanghal sa National (Regional) Pavilion ng Belt and Road, ang mga bagong inaangkat na produkto mula sa mga bansa’t rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road.
Layon ng pagtatanghal na itong palalimin ang pagkaunawa ng mga mamimili tungkol sa mga tampok na produkto at serbisyo ng nasabing mga bansa’t rehiyon.
Bukod diyan, may sariling mga tanghalan sa National (Regional) Pavilion ang mahigit 20 bansa’t rehiyon na kinabibilangan ng Thailand, Espanya, Hapon, Timog Korea, Rusya, Syria, Iran at Timog Aprika.
Hinggil dito, itinatanghal sa Ika-3 CIIE ang mga produkto mula sa mga pabilyon ng Thailand, Belgium, Ukraine, Czech, Hapon, Timog Korea, Syria at Timog Aprika.
Ayon sa salaysay ni Zhanghao, Pangalawang Manedyer ng Shanghai Waigaoqiao Free Trade Zone Group Co., Ltd., ang National (Regional) Pavilion Project na inilunsad ng Shanghai Pilot Free Trade Zone Administration ay nagsisilbing mahalagang plataporma ng pagpapasulong sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at ibang bansa’t rehiyon, sa mga larangang gaya ng produkto, kabuhayan at kultura.
Salin: Vera