Mahigit 36,000 likhang sining, kasali sa unang ASEAN-China “Friendship and Cooperation” Short Video Contest

2020-11-12 15:34:04  CMG
Share with:

Mahigit 36,000 likhang sining ang kalahok sa kauna-unahang ASEAN-China “Friendship and Cooperation” Short Video Contest.
 

Ito ay mainitang tinatanggap ng mga mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
 

Samantala, kabilang sa mga premyo ay isang gantimpalang ginto, dalawang gantimpalang pilak, dalawang gantimpalang tanso, 20 honorable mention at 50 nominee award.
 

Ilan sa mga namumukod na likhang sining ang isasahimpapawid, sa panahon ng serye ng mga pulong ng mga lider ng Kooperasyon ng Silangang Asya na gaganapin mula ika-12 hanggang ika-15 ng buwang ito.
 

Nagwagi ng gantimpalang ginto ang music video na pinamagatang “Iisang Dagat” na nilikha ng ChinaTown TV ng Pilipinas.
 

Ipinakikita ng nasabing music video ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas, sa harap ng biglaang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Salin: Vera

Please select the login method