Tsina, mas aktibong palalalimin ang pakikipagkooperasyon sa ibang bansa

2020-11-17 21:39:16  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos Martes ng gabi, Nobyembre 17, 2020 ang Ika-12 Pagtatagpo ng mga Lider ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa).

 

Dumalo at nagtalumpati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinagdiinan niya na dapat puspusang magsikap ang bansa para mapalawak ang pangangailang panloob, komprehensibong mapalalim ang reporma, mapasulong ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya para mapasigla pa ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan.

 

Sinabi niya na magiging mas malawak ang pagbubukas ng Tsina sa labas. Aktibong makikilahok ang Tsina sa merkadong pandaigdig, at mas aktibong mapapalalim ang pakikipagkooperasyon sa ibang bansa para makalikha ng mas maraming pagkakataon at espasyo sa pag-ahon at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Lito

Please select the login method