Tsina, walang anumang pananagutan sa masamang kalagayan ng relasyong Sino-Australian

2020-11-18 16:20:46  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Martes, Nobyembre 17, 2020 sa Beijing ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ayaw ng Tsina na makita ang hindi magandang kalagayan ng relasyong Sino-Australian, at walang anumang pananagutan dito ang panig Tsino.
 

Tinukoy ni Zhao na nitong nakalipas na ilang taon, iginiit ng ilang tao sa loob ng Australya ang kaisipan ng cold war at pagkiling na ideolohikal, at itinuring na banta ang pag-unlad ng Tsina. Nagbitiw sila ng mapanirang pananalita at gumawa ng mga masamang hakbang sa Tsina, bagay na humantong sa paglala ng relasyong Sino-Australian, at paghadlang ng relasyong ito na makaalpas sa kahirapan.
 

Diin ni Zhao, dapat tumpak na pakitunguhan ng panig Australyano ang sanhi ng pagsama ng relasyon ng dalawang bansa, obdyektibo at makatarungang pakitunguhan ang Tsina at pag-unlad ng Tsina, totohanang hawakan ang relasyon ng dalawang bansa, batay sa paggagalangan at pagkakapantay-pantay, at gawin ang mas maraming pagsisikap na makakabuti sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaan at pagpapasulong sa kooperasyon ng kapuwa panig.
 

Salin: Vera

Please select the login method