Isinapubliko kamakailan ng Myanmar ang pinal na resulta ng pangkalahatang halalan. Kaugnay nito, binati nitong Martes, Nobyembre 17, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagkakapanalo ng National League for Democracy (NLD) na pinamumunuan ni Aung San Suu Kyi sa karamihan ng mga luklukan ng parliamento.
Saad ni Zhao, noong nagdaang Enero, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang historikal na pagdalaw sa Myanmar, bagay na nakapagpasulong sa pagpasok ng relasyon ng Tsina at Myanmar sa bagong panahon ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.
Aniya, sa ilalim ng bagong kalagayan, patuloy na igigiit ng panig Tsino ang mapagkaibigang patakaran sa Myanmar, palalalimin ang kapatirang Paukphaw sa Myanmar, at pasusulungin ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa sa bagong antas.
Salin: Vera