Pandemiya ng COVID-19, patuloy na kumakalat sa Myanmar; panig Tsino, nagbigay ng saklolo

2020-11-08 16:14:50  CMG
Share with:

Sapul nang sumiklab ang ika-2 round ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Myanmar noong kalagitnaan ng Agosto, mabilis itong kumakalat.
 

Hanggang nitong Biyernes, Nobyembre 6, 2020, halos 60,000 na ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Myanmar.
 

Sa kasalukuyan, mabilis na tumataas ang bilang ng mga kumpirmadong kaso.
 

Upang tulungan ang Myanmar na labanan ang pandemiya, sunud-sunod na nagbigay-tulong ang pamahalaan at mga organong di-pampamahalaan ng Tsina, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo at materyal.
 

Nitong Biyernes, muling nagbigay ng 24 na set ng pamproteksyong materyal na medikal ang Pasuguang Tsino sa pamahalaan ng Myanmar.
 

Nauna rito, magkahiwalay na ibinigay ng Ministring Panlabas ng Tsina at Pasuguang Tsino sa Myanmar ang 45,000 maskarang pamproteksyon, 10,000 set ng nucleic acid extraction reagent, at 10,000 set ng viral transport medium.
 

Kaugnay nito, sinabi ni Zaw Than Htun, opisyal ng Ministri ng Kalusugan at Palakasan ng Myanmar, na sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina ang maraming saklolo sa Myanmar kontra sa pandemiya.
 

Aniya, napakahalaga ng mga ibinigay na tulong at napapanahon ang mga materyal na pamproteksyon at pasilidad ng pagsusuri na ipinagkaloob ng Tsina.
 

Salin: Vera

Please select the login method