Ipinahayag Huwebes, Nobyembre 19, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na mas aktibong makikisangkot ang Tsina sa international division of labor, mas mabisang sasali sa global industry chain, supply chain at value chain, at mas kusang-loob na magpapalawak ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa labas.
Aktibong isasagawa ang kooperasyon sa mga bansa, rehiyon at kompanyang nagnanais na makipagkooperasyon sa Tsina, dagdag ni Xi.
Salin: Vera