Binuksan Biyernes, Nobyembre 20, 2020 sa Wuhan, Lalawigang Hubei ng Tsina, ang China 5G + Industrial Internet Conference.
Nagpadala ng liham na pambati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, malalimang sumusulong ang bagong round ng repormang pansiyensiya’t panteknolohiya at pagbabagong industriyal sa daigdig, at nagbabago rin ang information technology.
Saad ni Xi, ang paghahalu-halo ng 5G at industrial internet ay makakapagpabilis ng konstrusyon ng digital China at matalinong lipunan, makakapagpasulong sa proseso ng bagong industriyalisasyon ng Tsina, makakapagpatingkad ng bagong lakas-panulak para sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at makakalikha ng bagong pagkakataong pangkaunlaran para sa kabuhayang pandaigdig sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Salin: Vera