Halos 700,000 5G base stations, itinayo ng Tsina

2020-11-13 16:37:04  CMG
Share with:

May halos 700,000 5G base stations na ngayon ang Tsina, at lampas na sa 180 milyon ang kabuuang bilang ng 5G terminal connections. Ang naturang magandang imprastruktura ay nakakapagpasulong sa mga bagong aplikasyon na nakabase sa teknolohiya ng 5G.
 

Winika ito ni Liu Liehong, Pangalawang Ministro ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, sa taunang pulong ng China Development Forum na binuksan nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 11, 2020.
 

Saad ni Liu, ang bagong round ng repormang pansiyensiya’t panteknolohiya at transisyong industriyal ay nagkaloob ng pagkakataon para sa mga bahay-kalakal at bansa sa buong mundo.
 

Salin: Vera

Please select the login method