Bagong hangarin ng APEC, magkakaloob ng bagong puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko

2020-11-21 14:46:23  CMG
Share with:

Idinaos nitong Biyernes, Nobyembre 20, 2020 ang Ika-27 Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) kung saan nagkaroon ng “Bogor Goals” at pinagtibay ang “APEC Putrajaya Vision 2040.”
 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Yang Zhengwei, Pangalawang Puno ng Departamentong Pandaigdig ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang nasabing bagong hangarin ay lumikha ng pangmalayuang pangako ng pagkatig sa multilateral na sistemang pangkalakalan, nagpakita ng determinasyon ng matatag na pagpapasulong ng integrasyong panrehiyon at nagpokus sa katangian ng siglong masiglang umuunlad ang digital economy. Ang mga ito aniya ay magkakaloob ng bagong puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method